Hindi sapat ang manpower para sa pagsasagawa ng house to house vaccination.
Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos kaugnay sa bahay-bahay na pagbabakuna sa general population.
Aniya, sang-ayon siya sa naturang hakbang na sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngunit dahil sa bilis ng hawaan ng COVID-19 bunsod ng Omicron variant, maraming medical health workers, mga tauhan ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at mga vaccinators ang tinamaan ng COVID-19.
Samantaala, sinabi ni Abalos na maaaring isagawa ng mga lokal na pamahalaan na may sapat na tauhan ang naturang house to house vaccination upang tumaas ang bilang ng mga bakunado. —sa panulat ni Airiam Sancho