Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa posibleng kriminal na pananagutan ng online news site na Rappler.
Ito’y makaraang kanselahin ng Securities and Exchange Commission ang Certificate of Incorporation ng Rappler dahil sa pagtanggap nito ng pondo mula sa foreign firm na Omidyar Network.
Ayon kay Aguirre, dapat pag-aralan ang lahat ng ligal na anggulo kaugnay sa kaso ng nabanggit na online media entity.
Sa ilalim anya ng 1987 Constitution, ang mass media ay kinakailangang isandaang porsyentong pag-aari at pina-nga-ngasiwaan ng mga Pilipino.