Hindi papayagan ng Manila Police District (MPD) ang anumang pagsasagawa ng kilos protesta kasabay ng pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Leo Francisco, mahigpit ang kanilang magiging pagbabantay upang agad mapagsabihan ang mga magbabalak na magsimula o mag-organisa ng pagtitipon para magprotesta.
Kanila aniyang igigiit ang mahigpit na pagbabawal sa mga mass gathering lalo na ngayong may pandemya.
Kaugnay nito, magpapakalat ng mga pulis sa mga istratihikong lugar gaya sa España Boulevard, lagpas ng Mabuhay Rotonda, harap ng University of Santo Tomas (UST), Mendiola, Liwasang Bonifacio at malapit sa US Embassy.