Inaprubahan na ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng Professional Regulation Commission (PRC) na magsagawa ng mga licensure examinations na nakatakda ngayong buwan ng Enero hanggang Marso.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos na magkasundo ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa naturang kahilingan.
Mababatid na naka-schedule na kumuha ng licensure examinations ang mga sumusunod na propesyon: medical technologist; architects; physical therapists; medicine; at iba pa.
Nauna rito, sinuspinde ng IATF ang pagdaraos ng licensure examinations bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.