Mahigit dalawang dekada na ang mga isinasagawang Medical mission ng SM Foundation Inc. (SMFI).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SMFI executive director for Health and Medical Programs Ms. Connie Angeles, taong 2001 pa nang simulan nila ang pagsasagawa ng mga medical mission sa buong kapuluan.
Sinabi ni Angeles, na kung hindi lamang nagkaroon ng pandemya tiyak na hindi lamang 80 to 100 medical missions ang kanilang maisasagawa sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
So itong kasing ano natin na ito dalawang dekada na namin itong ginagawa, nag-umpisa ito noong 2001at hanggang ngayon kung hindi lang nagpandemiya siguro mas marami pa kaming magagawa kasi halos 80 to 100 medical missions kami a year at nagawa namin ‘yan sa buong kapuluan pero dahil nga pandemiya, maraming mga bawal hindi tayo basta-basta nakakapunta sa mga komunidad kaya na-limit naman ito, pero nandiyan pa rin kami..ngayon itinutuloy na namin ito…
— Ms. Connie Angeles, ang Executive Director for Health and Programs ng SMFI