Nagsi-alisan na ang lahat ng mga foreign vessels na nagsasagawa ng scientific exploration sa Philippine Rise.
Kasunod na rin ito ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatigil sa lahat ng uri ng pananaliksik ng mga dayuhan sa bahaging iyon ng karagatan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman nangangahulugan na tuluyan ng ipagbabawal ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga pag-aaral sa Philippine Rise.
Maaari pa rin aniyang mag-apply ang ibang bansa kung nais ng mga ito na pag-aralan ang lugar pero tiyak na magiging mahigpit ang prosesong pagdaraanan ng mga ito.
Subalit binigyang diin ni Roque na ang naging pahayag na ito ng Pangulo ay naglalayong pakinabangan muna ng mga Pilipino ang Philippine Rise at hindi hangad ng Pangulo na ipamahagi ang naturang lugar sa ibang bansa.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio