Itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) na ito ang nasa likod ng “transparency survey” ng mayoral candidates sa Pasig City para sa 2022 Polls.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, wala silang kinomisyon na kahit anong transparency survey at hindi pa niya nabeberipika ang authenticity nito sa Social Weather Stations.
Tugon ito ni Jimenez sa isinagawa umanong survey noong November 1 hanggang December 1 kung saan nakakuha si Pasig City Mayor Vico Sotto ng 52% trust rating habang 47% ang kanyang karibal na si Vice Mayor Iyo Caruncho.
Isang porsyento ng respondents sa umano’y COMELEC–Philippines Transparency Survey ang undecided.
Bilang bahagi anya ng kanilang polisiya, umiiwas ang COMELEC upang hindi lumabas na may kinikilingan ang poll body.