Iminungkahi ni Assistant Majority Leader Fidel Nograles na magsagawa ng ‘plastic drive’ ang mga lokal na pamahalaan kasunod nang ibinabang kautusan na alisin ang mandatoryong pagsusuot ng face shield.
Ayon sa kongresista, dapat na makipag-ugnayan ang mga LGU sa mga kumpanya o grupo na nagsasagawa ng plastic recycling tulad ng paggawa ng Christmas decor at construction materials.
Aniya, layunin nito na matiyak ang tamang pagtatapon ng plastic upang hindi makadagdag sa problema ng basura.
Batay sa pagtataya ng department of environment and Natural Resources (DENR) umaabot sa 60 milyong face shields kada araw ang ginagamit ng higit dalawamput isang milyong pamilya sa buong bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho