Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala itong inisyung kautusan sa mga pulis para magsagawa ng “profiling” o paniniktik sa pagkuha ng impormasyon sa mga dumadalo sa protest rallies.
Ayon kay PNP PIO Chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, ang pinaka-trabaho lamang ng mga pulis sa mga rally ay ang pagtiyak na magiging mapayapa ang aktibidad at hindi ito mauuwi sa karahasan o anumang untoward incident.
Bahagi lang aniya ng regular duty ng PNP sa kanilang deployment sa anumang pagtitipon ang paggawa ng isang situationer report na kinabibilangan ng pag-estima sa bilang ng mga kalahok at over-all assessment sa aktibidad para magamit na reference sa mga susunod na event.
Sinabi ni Alba na iginagalang nila ang malayang paghahayag ng saloobin ng mga raliyista na naaayon sa pagiging demokratikong bansa ng Pilipinas.
Kasabay nito, muli ring tiniyak ni Alba na paiiralin ng pnp ang maximum tolerance sa lahat ng mga rally ngunit ikalulugod aniya nila kung ito’y idaraos sa mapayapang pamamaraan. – sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)