Ipinagtanggol ni Senador JV Ejercito ang kaniyang inang si San Juan Mayor Guia Gomez kasunod ng hirit na recall elections ng pamilya Zamora para sa posisyon ng pagiging alkalde ng lungsod.
Ayon sa Senador, tila gahaman sa kapangyarihan ang pamilya Zamora kaya’t pilit nilang binubully at sinisiraan ang kaniyang ina sa harap ng kanilang mga kababayan.
Ginawa ni Ejercito ang pahayag kasunod ng desisyon ng COMELEC na magsagawa ng recall elections sa San Juan sa pagka-Akalde ng lunsod makaraang makakuha ng sapat na dami ng lagda ang pamilya Zamora para sa nasabing posisyon.
Tiwala si Ejercito na walang batayan ang recall elections dahil maganda naman ang pamamahala ng kaniyang ina sa san juan at walang usapin ng katiwalian para mawala ang kumpiyansa ng kanilang kababayan.