Muling nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa National Security Council (NSC) na magsagawa ng security audit sa ikatlong TelCo player ng bansa na DITO Telecommunity.
Ito’y kasunod ng pag-blacklist ng Amerika sa mga Kumpaniya ng China kabilang na ang China Telecom na mayruong 40 percent share sa DITO at supplier din ng Military gayundin ng Security apparatus ng China.
“Hindi nakapagtataka na kasama ang ChinaTel sa mga blacklisted Chinese firms ng US. ChinaTel is 100% owned and fully controlled by the government of China. Nagre-report ito mismo sa Ministry of Industry and Information ng Tsina, na nasa ilalim ng State Council ng People’s Republic of China,” sabi ni Hontiveros.
“Let’s also not forget that under China’s National Intelligence law, Chinese corporations are obliged to support intelligence-gathering efforts. China also has a Chinese Counter-Espionage Law, which forbids Chinese companies from refusing to assist their government in surveillance work,” ani Hontiveros.
Ayon kay Hontiveros, gagawin ng anumang bansa maging ng Amerika ang lahat ng hakbang para makapagblack-list ng mga kumpaniya para protektahan ang sarili nitong interes.
Binigyang diin ng Senadora, ganitong klase ng pagdepensa ang inaasahan ng mga Pilipino sa panghihimasok ng Tsina partikular na sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
“Tayo sa Filipinas, kailangan din nating bantayan at depensahan ang ating pambansang interes. Especially in light of China’s aggressive maneuvers in our own seas, it is only right that we also review Chinese companies that may pose a threat to our national security.
“It is in this same spirit of protecting the national interest that I was impelled to vote against Dito’s franchise. This is also precisely why I called on the National Security Council to conduct a security audit of the telco. This is precisely why I filed Senate Resolution 137 to probe the AFP-Dito deal that allows Dito to build cell towers inside our military camps,” giit pa ng senadora.
“Lahat ng mga panawagan ko, wala pa ni isa ang naaksiyunan o natupad. Sana dinggin na ang mga ito dahil ito rin naman ang hiling ng mga Filipino,” dagdag pa niya.