Ikinukunsidera ng Korte Suprema na magsagawa ng ispesyal na sesyon habang nakabakasyon ngayong kapaskuhan.
Ito’y upang talakayin ng mga mahistrado sa kanilang en banc session ang hinggil sa disqualification case laban kay Senadora Grace Poe.
Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Supreme Court, kakayanin naman ito ng mga mahistrado dahil nagawa naman na ito sa mga nakalipas na panahon.
Magsisimula ang holiday break ng mga mahistrado ng High Tribunal sa Martes, Disyembre 8.
Ngunit ayon kay Te, maaari pa rin namang mag convene ang mga mahistrado sa sandaling i-akyat na ng kampo ni Senadora Poe ang kanilang apela.
Una rito, kinatigan ng COMELEC 2nd Division ang disqualification case na inihain laban sa senadora sa kabila ng pagbasura naman ng Senate Electoral Tribunal sa isa pang hiwalay na reklamo.
By: Jaymark Dagala