Dapat na gawing “maiksi at diretso sa punto” ang pagsasagawa ng video conferences at online meetings upang maiwasan ang virtual fatigue.
Ito ang iminungkahi ni DOH-Mental Health Division Consultant Dr. Agnes Casiño dahil aniya ang mahabang oras sa video conferences at online meetings ay maaaring magresulta ng malalang pagod.
Binigyang diin pa ng opisyal na maaaring gawin sa ibang pamamaraan ang ibang trabaho, tulad ng pakikipag-usap sa pamamagitan ng emails.
Ipinayo rin ni Casiño sa mga indibidwal na naka-work from home na magtakda ng schedule upang mapanatili ang work-life balance.—sa panulat ni Hya Ludivico