Sisimulan na umano ng mga kinatawan ng mga boksingerong sina Kell Brook at Amir Khan ang pagpupulong ngayong buwan upang isa-pinal na ang kanilang laban sa June 4 sa Wembley Stadium sa London, England.
Una nang inanunsyo noong Disyembre ni Khan na “plan b” niya ang International Boxing Federation Welterweight champion na si brook sakali mang isnabin siya ni Manny Pacquiao sa retirement fight nito sa Abril.
Kamakailan lang ay inanunsyo ni Pacquiao na lalabanan nito si Timothy Bradley sa ikatlong pagkakataon.
By: Avee Devierte