Hindi tayo pwedeng maging alipin ng takot.
Tugon ito ni Senador Imee Marcos sa tanong kung ligtas na ba na isailalim sa alert level 3 ang Metro Manila kung saan mas marami ng negosyo ang papayagang magbukas at mas luluwagan na ang mga restrictions.
Sinabi ni Marcos na ang mga lockdown ay hindi para sa mahihirap kundi para sa mga taong walang problema sa maihahaing pagkain at pambayad sa matrikula sa kanilang lamesa kayat kailangan na talaga anya ng mas nakararami na makapagtrabaho para may pambayad kay “Judith”.
Marami aniya sa mga Pilipino ang gutom na, nababaon sa utang at maaaring mamatay na lamang na wala na ngang pera ay wala pang dignidad.
Tinukoy ni marcos ang datos ng DOH at OCTA kung saan bumababa na ang reproduction rate ng virus sa NCR at ibang probinsya subalit dapat anyang maayos ang pag calibrate sa pagbubukas ng mga restaurants, cinemas, malls, at iba pang mga negosyo, gaya ng ginagawa sa iba’t-ibang bansa. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)