Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority Officer-In-Charge Attorney Romando Artes na handa ang ahensya sakaling isailalim sa Alert Level 1 ang NCR.
Kaugnay nito, tututukan nila ang mga establisimyento para masigurong masusunod ang ipinatupad na minimum public health standards.
Matatandaang usap-usapan ang petisyong isasailalim sa naturang alert level ang Metro Manila bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.—sa panulat ni Airiam Sancho