Umapela si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na ilagay na sa alert level 3 ang National Capital Region pagsapit ng Oktubre.
Ayon kay Concepcion, hiniling ng business sector sa pulong kasama ang Philippine Medical Association na payagang magbukas ang mas maraming negosyo gaya ng mga Spa, Salon at Gym na pinapayagan sa level 3.
Posible anya sa 4th ng taon makabawi ang mga negosyo dahil tataas ang consumer spending sa gitna ng paghahanda sa pasko.
Idinagdag pa ni Concepcion na dapat itaas pa ang capacity sa mga bubuksang negosyo upang mabawi ang lugi at mabayaran ng mga business owner ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.—sa panulat ni Drew Nacino