Pabor si Presidential Spokesperson Harry Roque sa rekomendasyong luwagan na ang umiiral na community restrictions sa pamamagitan ng pagsasailalim sa modified community quarantine (MGCQ) ng buong bansa.
Ayon kay Roque, isa siya sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bumoto para irekumenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas pa ng ekonomiya ng Pilipinas.
Aniya, mas dapat pagtuunan ngayon ang bilang ng mga nagugutom na pumalo na sa 23.7-M, karagdagang bilang ng mga naghirap na umabot sa 4 million at nawalan ng trabaho na 2.7 million.
Dagdag ni Roque, nakadepende ang 60 hanggang 67% ng ekonomiya ng sa Metro Manila at Calabarzon kung saan karamihan sa mga lugar na ito ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ).
Dahil dito, umaabot lamang sa 50% ang kapasidad ng pampublikong transportasyon at mga industriya lalo na sa Metro Manila.