Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang mga negosyante na isailalim sa pagsusuri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang kani-kanilang mga empleyado bago pabalikin sa trabaho.
Ayon kay Madaluyong City Mayor Camelita Abalos, kung maaari ay mabigyan din ng certificate ng COVID–19 test ang lahat ng mga empleyado sa lungsod bilang patunay na negatibo ang ito sa virus.
Iginiit ni Abalos, mahirap para sa lokal na pamahalaan na piliting maging maayos ang kalagayan ng kanilang mga residente at saka naman aniya mapapasukan ang lungsod ng isang positibo sa COVID-19.
Sinabi ni abalos, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na reklamo hinggil sa kahilingan nilang masaialim sa test ang mga empleyadong nagtatrabaho sa Mandaluyong City.
Sa lungsod makikita ang ilan sa mga shopping centers, hotels at restaurants.