Nangangamba si Senadora Leila de Lima na mali ang maging simula ng panunungkulan ni incoming PNP Chief Dir. Oscar Albayalde.
Ito’y ayon kay De Lima kasunod ng naging panukala ni Albayalde na isalang sa drug test ang lahat ng mga tatakbo sa Barangay at SK Elections.
Ayon kay De Lima, hindi dapat maging selective ang PNP sa pagsusulong ng drug test dahil kailangan aniya itong magsimula muna kay Pangulong Duterte.
Giit ng Senadora, sakaling bumagsak sa drug test ang Pangulo, dapat aniyang irekumenda ng PNP ang pagpapatalsik dito sa puwesto.
Maituturing ding paglabag sa equal protection ng batas ang panukalang ito ni Albayalde tulad ng ginagawa nilang kampaniya kontra iligal na droga.
Kadalasan aniya kasing mga mahihirap at walang kalaban-laban ang mga nabibiktima ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs kaya’t hindi makatuwiran na tanging ito lamang ang mapag-iinitan.