Mas maagang inanunsyo dapat ang pagsailalim sa Metro Manila at ilang karatig na lalawigan na sa general community quarantine (GCQ).
Ito, ayon kay Senador Panfilo Lacson, ay para nagkaroon pa ng pagkakataon o panahon ang mga negosyo na mai-adjust ang kanilang mga nakaplanong aktibidad at hindi kahapon lamang, araw ng Linggo, base na rin sa inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagsailalim sa ‘NCR Plus’ o Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan sa GCQ simula ngayong araw na ito.
Iginiit ni Lacson na dapat ay mayroong partikular na lugar at time bound ang pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine.
Tiwala si Lacson na ang mga adjustment sa ipinatutupad na restrictions ay gawin alinsunod sa nagbabagong kondisyon sa isang lugar.
Ang susi aniya rito ay patuloy na assessment sa sitwasyon at kondisyon ng COVID-19 cases sa iba’t ibang lugar para ito na ang pagbabatayan ng gagawing adjustment. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)