Magsasagawa na ng assessment ang Inter-Agency Task Force (IATF)sa mga susunod na araw upang malaman kung maaari nang mailagay sa alert level 1 ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, kanilang sisilipin ang mga datos bago sumapit ang February 16 na magsisilbing barometro para sa posibleng pagsasailalim sa Metro Manila sa mas mababang alert level.
Ilan sa mga kailangang tingnan aniya para maideklara ang alert level 1 sa isang lugar, ay dapat na bumaba ang total bed utilization rate sa 49%, makita ang patuloy na pagbaba ng two week growth rate, at nasa below 1 ang daily attack rate. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)