Inirekomenda ni National Task Force Against COVID-19 Special Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa na manatili sa alert level 2 ang Metro Manila.
Ito, ayon kay Herbosa, ay dahil sa kaliwa’t kanang mass gatherings na may kaugnayan sa campaign activities para sa May 9 elections.
Hindi anya malayong mangyari sa Pilipinas ang kaso sa India noong isang taon kung saan niluwagan ang restrictions sa gitna ng malawakang election campaign, dahilan upang kumalat ang nakamamatay na Delta variant at lumobo ang bilang ng fatalities.
Kinumpirma ni Herbosa na tatalakayin ngayong araw kung pananatilihin ang National Capital Region (NCR) sa alert level 2 o magluluwag sa level 1 dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Una nang hinimok ng mga alkalde sa NCR ang Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang Metro Manila sa alert level 1 simula Marso a–1.