Napaaga ang desisyon ng gobyerno na ibalik sa alert level 2 mula sa level 3 ang Metro Manila at pitong iba pang lugar sa gitna ng mataas pa ring COVID-19 cases.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng National Task Force Against COVID-19,tila naging padalos-dalos ang pamahalaan gayong maraming dapat ikunsidera para ibaba sa level 2 ang alert status.
Kabilang anya sa mga tinitingnan ng World Health Organization na batayan ang bilang ng mga binabakunahan bago magluwag ng restrictions.
Ipinunto naman ni Leachon na mataas pa rin ang positivity rate habang nananatiling mababa ang COVID-19 testing kaya’t nakagugulat ang biglaang pasya ng gobyerno.