Pinag-aaralan na ng Department of Justice kung dapat palawigin ang pagsasailalim sa Witness Protection Program ng tinaguriang priority development assistance fund scam queen Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hanggang Mayo 26 na lamang ang saklaw ng provisional coverage ni Napoles sa WPP ng DOJ.
Magugunitang isinailalim sa provisional coverage ng W.P.P. si Napoles noong Pebrero matapos makapagsumite ng affidavit kung saan kanyang pinangalanan ang iba pang government official na dawit sa scam.
Gayunman, hindi isinapubliko ng kagawaran ang sinumpaang-salaysay dahil sa umiiral na confidentiality rule sa ilalim ng Witness Protection Program Act.