Pinag-aaralan na ng DOJ o Department of Justice na isailalim sa WPP o Witness Protection Program ang naulilang ama ng limang biktima ng massacre sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, kung sa tingin ni Dexter Carlos Sr. na may banta sa kanyang seguridad ay kanilang mamadiliin ang proseso para maipasailalim ito sa WPP na hawak ng ahensya.
Sa kasalukuyan, ay inatasan na rin ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa krimen habang ang PAO o Public Attorney’s Office ang nagbibigay naman ng ligal na tulong kay Carlos.
DOJ hindi sang ayon sa ibinunyag na pangto-torture sa suspek
Hindi sang ayon ang DOJ o Department of Justice sa anumang paraan ng torture para lamang mapa-amin ang suspek ng isang krimen.
Ito ang sinabi ni DOJ Undersecretary Erickson Balmes kasunod ng pahayag ng isa sa suspek sa Bulacan Massacre na si Carmelino Ibañez na siya ay tinorture.
Ayon kay Balmes, kanila nang ipinauubaya sa NBI ang pag-iimbestiga sa kaso at hihintayin na lamang ang magiging resulta nito bago magkomento sa isinawalat ni Ibañez.
By Krista De Dios | With Report from Bert Mozo