Binigyang-diin ni Interior secretary Benhur Abalos na dapat na mapag-aralang mabuti ang panukalang gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.
Ginawa ni Abalos pahayag matapos ang naging panawagan ng isang grupo ng mga magulang na ipasa na bilang batas ang panukalang magbibigay sa kanila ng karapatan at kalayaan na makabili ng affordable cannabis products.
Giit ng Kalihim, naniniwala siyang mabisang medisina ang marijuana laban sa ibat-ibang uri ng karamdaman ngunit marapat lamang na dumaan ito sa masusing pag-aaral upang matiyak na hindi maaabuso ang paggamit nito.
Nababahala kasi si Abalos na baka maging “gateway drug” lamang ng mga drug addict o mga lulong sa ipinagbabawal na gamot ang pagsasalegal ng marijuana.
Kapag nangyari ito, tiyak aniyang kawawa dito ang mga bata o ang susunod na henerasyon.