Pinag-aaralan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na i-regulate para maging legal na ang online sabong.
Ito, ayon kay PAGCOR Chief Andrea Domingo, ay para madagdagan ang kita ng gobyerno.
Sinabi ni Domingo na kabilang sa posibleng panuntunan hinggil sa online sabong ay pagkuha ng kaukulang permit ng mga operator sa local government units (LGUs).
Una nang napaulat na naglipang mga ilegal na e-sabong dahil ipinagbabawal pa rin ng gobyerno ang sabong mula nang ipatupad ang lockdown.