Hinimok ni Isabela Rep. Antonio Albano si Pangulong Rodrigo Duterte na ikunsidera ang pagsasaligal ng medical marijuana sa bansa.
Ito’y kasabay ng pagdulog sa kamara ng grupo ng mga pasyente, magulang at stakeholders na sumusuporta sa naturang panukala.
Ayon kay Albano, ihahain niyang muli sa kamara ang House Bill 279 o ang Philippine Medical Cannabis Compassionate Act ngayong 18th congress.
Bigo aniya itong makalusot noong 17th congress na inihain ng kaniyang kapatid na si Isabela Rep. Rodolfo Albano III.
Sa kaniyang bersyon aniya ay mas paiigtingin ang mga parusa na maaaring ipataw sa mga lalabag sa regulasyon ng paggamit ng medical marijuana.
Ito umano ay para mawala ang pangamba ng publiko na maabuso ito ng iba.
Layon ng panukala na gawing legal sa bansa ang paggamit ng medical marijuana bilang panlunas sa piling mga karamdaman.