Magtatakda ng time limit o limitasyon sa pagsasalita ng bawat mambabatas sa isasagawang joint session ng Kongreso kaugnay ng hirit na martial law extension bukas.
Ito ay batay sa nakuhang impormasyon ng DWIZ na gagamiting estratehiya ng liderato ng Kongreso para hindi makalusot ang mga magtatangkang pumapel at maiwasan ang mahabang balitaktakan sa joint session.
Ayon naman kay Senate Minority Floor Leader Tito Sotto, may nabuuong nang rules ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ia-adapt na lamang sa pagsisimula ng session.
Una rito ay nagpahayag na rin ng pangamba ang ilang Senador na baka sa pagsisimula pa lamang ng joint session ay maging mahaba na ang debate kaugnay ng gagamiting rules dito.
By: Krista de Dios / Cely Bueno
Pagsasalita ng mga mambabatas sa joint session may itatakdang time limit was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882