Ini-atras ng Department of Health sa susunod na linggo ang pagsama ng rapid Antigen test results sa daily tally ng karagdagang COVID-19 cases.
Una nang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isasama na ng DOH Sa resulta ang mga magpopositibo sa Antigen test.
Ayon kay Vergeire, bina-validate at kinukumpleto pa nila ang lahat ng datos.
Samantala, binalaan naman ng opisyal ang mga gumagamit ng rapid antigen testing sa maling paraan.
Kadalasang ginagamit ang Antigen test para sa screening sa mga border control, sa trabaho at ilan pang aktibidad pero hindi anya ito ang tamang paraan dahil posibleng magkaroon ng ibang resulta. — Sa panulat ni Drew Nacino