Inirekomenda na ng Office of the City Prosecutor sa Quezon City ang pagsasampa ng grave threat, laban sa driver na umano’y nagbigay ng death threats kay presidential candidate Ferdinand Bong Bong Marcos Jr.
Ayon sa City Prosecutor, kinilala ang respondent sa kaso na si Michael Go, habang ang mga complainants ay sina Marcos at Ken Romualdez.
Inakusahan si Go ng paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Una na ring sumuko sa pulisya si Go upang linisin ang kaniyang pangalan kasabay ng pagsabing wala naman siyang twitter account. -sa panulat ni Abby Malanday