Inirekomenda na ng House Quad Committee ang paghahain ng reklamong crimes against humanity laban kina dating pangulong Rodrigo Duterte; Senador Ronald “Bato” Dela Rosa; Senador Christopher “Bong” Go; dating pnp chiefs Oscar Albayalde;at Debold Sinas; dating police colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo; at dating assistant secretary ng special assistant to the president Irmina “Muking” Espino.
Ito’y dahil sa pagpapatupad ng madugong drug war campaign ng Duterte administration na sinasabing tatlumpung libong mga biktima ang napatay.
Ibinatay ang rekomendasyon sa section 6 ng Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and other Crimes Against Humanity.
Matatandaang isiniwalat ni Garma ang pinalawak na “Davao model” kung saan pinatatakbo ang “Reward system” ng mga opisyal ng gobyerno.
Bukod sa mga nabanggit na pangalan inirekomenda rin ang paghahain ng reklamo laban sa mga personalidad na sangkot sa pogo-related activities, kabilang na sina dating presidential spokesmann Atty. Harry Roque, Cassandra Li Ong, Alice Guo, at ang kapatid ni dating presidential adviser Michael Yang na si Hong Jiang Yiang.
Ginawa ang hakbang bilang resulta ng ika-13 pagdinig ng Quad Committee ng Kamara. – Sa panulat ni Laica Cuevas