Inirekomenda na ng House Committe on Good Government and Public Accountability ang pagsasampa ng kaso laban kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at dating director general ng Food and Drug Administration (FDA) na si Eric Domingo.
Para ito sa ilang isyu tulad ng pagtugon ng gobyerno sa covid-19 pandemic at iba pang polisiya at alituntunin ng DOH.
Sa ilalim ng Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021, inirekomenda na ang kaso laban kina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Habang paglabag naman sa Anti-Red Tape Act of 2007 ang isinampang kaso laban sa dalawa at kay FDA Center for Drug Regulation and Research Director Joyce Cirunay. —sa panulat ni Abby Malanday