Suportado ng House of Representative ang pagsasampa ng kaso ng gobyerno laban sa mga smuggler at hoarders sa bansa.
Kasunod narin ito ng naging babala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bilang na ang mga araw ng mga nasa likod ng pag-iimbak at pag-iipit ng mga produkto na nagreresulta sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, dapat maramdaman ng mga sangkot sa smuggling at hoarding ang galit at pagkadismaya ng pangulo kaya’t kanilang dodoblehin ang pagsusumikap upang mapigilan ang maling gawain sa agricultural products.
Nangako ang mambabatas, na tutulong ang kamara upang magpatuloy sa pagsigla at pag-unlad ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan narin ng pagbibigay ng mga bagong teknolohiya at kagamitan sa bawat mga lalawigan .
Layunin nitong mapababa ang presyo ng pagkain at mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.