Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa ang mga indibiduwal na naniniwalang sinalakay ng pulisya ang tanggapan ng grupong kadamay sa Pandi, bulacan na magsampa ng kaso.
Ayon kay Gamboa, iminumungkahi niya ang pagsasampa ng karampatang reklamo sa PNP-IAS o International Affairs Service ng mga nagsasabing na-agrabiyado sila sa naging operasyon ng pulisya.
Sinabi ni Gamboa, ito ay upang magkaroon aniya ng pantay na paghawak sa insidente.
Una nang iginiit ng Central Luzon Police Office na isinuko ng ilang miyembro ng kadaya ang mga kinuha nilang dokumento dahil sa pangamba umano ng mga ito na magamit laban sa ika-limang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.