Welcome sa Manila Police District (MPD) ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong paglabag sa anti-hazing law ang 11 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagpatay kay Horacio “Atio” Castillo the Third.
Ayon kay MPD Spokesman, Supt. Erwin Margarejo, bagaman may mga personalidad na hindi pa isinama sa mga pinakakasuhan, magandang balita pa rin ang pasya ng DOJ na isang hakbang sa pagkamit ng hustisya para kay Castillo.
Tinitiyak anya nila sa Pamilya Castillo na hindi titigil ang MPD sa pag-usig sa kaso hanggang sa dulo upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Atio.
Matatandaan na biktima ng isang fraternity hazing si UST student Atio Castillo sa Aegis Juries Fraternity noong Setyembre ng nakaraang taon. Dinala noon sa Chinese General Hospital si Castillo pero ideneklara na itong dead on arrival.
-Jonathan Andal / RPE