Pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga militanteng grupong nakipaggirian sa mga pulis.
Ito’y sa kasagsagan ng mga aktibidad sa idinaos na APEC Leader’s Meeting sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, binuyo ng mga militante ang kanilang mga tauhan na siyang dahilan ng pagkasugat sa ilan sa mga ito.
Dumipensa naman si Mayor sa paggamit ng water cannons ng mga pulis sa pagsasabing pinalalamig lamang nito ang emosyon ng mga rallyista.
Kung tutuusin ayon kay Mayor, may pananagutan sa batas ang mga nasabing grupo dahil sa pagsasagawa ng pagkilos ng walang kaukulang permiso.
Gayunman, napanatili ng pulisya ang pagpapatupad ng maximum tolerance ngunit tila inabuso pa rin ito ayon kay Mayor ng mga militante.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal