Hindi uubrang panagutin si Senador Risa Hontiveros sa paglalantad ng umano’y palitan ng text messages sa pagitan nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at dating Congressman Jacinto ‘Jing’ Paras.
Ayon ito kay dating Ateneo School of Government Dean Antonio La Vinia dahil hindi naman si Hontiveros ang personal na kumuha nito.
At kung sino man ang kumuha ng nasabing text messages sinabi ni La Vinia na hindi ito ginawa ng may motibo o intensyon kaya’t walang wiretapping na nangyari taliwas sa iginigiit ng kampo nina Aguirre at Paras.
Binigyang diin ni La Vinia na ang wiretapping ay isang hakbang para pakinggan o i-intercept ang isang usapan na hindi naman ginawa nina Hontiveros o ng photojournalist na umano’y kumuha sa nasabing text messages.
SMW: RPE