Tuloy ang pagsasampa ng reklamo ni Senador Antonio Trillanes laban kay Senador Richard Gordon sa Ethics Committee ng Senado.
Ayon kay Trillanes, maliban sa ethics complaint, may inihahanda rin siyang kaso laban kay Gordon na isasampa niya sa Office of the Ombudsman.
Iginiit ni Trillanes na nalagay sa alanganin ang integridad ng Senado dahil sa hindi patas na pag-iimbestiga ni Gordon sa Blue Ribbon Committee.
Tiniyak ni Trillanes na sa tamang panahon ay isusulong niya ang pagpapalit ng liderato ng Senado upang mapalitan rin si Gordon bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee.
“Si Senator Gordon kasi ay nakokompromiso na ang integrity at independence ng Senado, selyado towards the Duterte administration, proteksyunan ang mga opisyal, to iclude Duterte himself and his family so hindi ganyan ang Senado, kung magpapatuloy na ganyan ay talagang pupursigihin ko na mapalitan ang Liderato ng Senado para magkaroon tayo ng Chairman ng Blue Ribbon Committee na objective at hindi maghe-hesitate na mag-imbestiga sa anomalya ng administrasyon.” Pahayag ni Trillanes
(Ratsada Balita Interview)