Posible ring ipagharap ng quo warranto petition ang Pangulo at Pangalawang Pangulo kung sila’y mapatutunayang nagpabaya o naging taksil sa sambayanang Pilipino.
Iyan ang ipinaliwanag ng Korte Suprema sa naging desisyon nito na paboran ang inihaing petisyon laban naman sa napatalsik sa Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno.
Nakasaad sa desisyong pinonente ni Associate Justice Noel Tijam, may kapangyarihan ang Presidential Electoral Tribunal o PET na ideklarang void o walang bisa ang pagkakaluklok sa Pangulo at Pangalawang Pangulo kung ihahain ito sa loob ng sampung araw mula nang sila’y maiproklama.
Sa kabilang dako, posible ring mapasailalim ang mga naturang grounds bilang other high crimes na maaari namang gamitin bilang impeachable offense sa ilalim ng batas.
Samantala, tiniyak ng constitutionalist at dean ng San Beda Graduate School of Law na si Fr. Ranhilio Aquino na walang dapat ikabahala si Vice President Leni Robredo.
Ito’y kung mapatutunayan walang nilabag na batas si Robredo sa inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isa ring uri ng quo warranto case.
—-