Binabalak ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila na ipagbawal na ang pagsasampay sa kung saan-saang lugar.
Lalong lalo na sa lugar na nakasasagabal sa mga daanan.
Ayon sa mga otoridad, ito ay bilang parte ng ordinansang nais ipatupad ni Manila Mayor Isko Moreno na pinangalanang “tapat ko linis ko” ordinance.
Sa ilalim ng ordinansa, hindi na pwedeng magsampay sa mga bintana, electric wires, poste at iba pa.
Kasama na rin dito ang pagpapabaya sa mga alagang hayop na dumudumi sa hindi tamang lugar.
Maaaring makulong ng 30 araw at magbayad ng mula 500 piso hanggang 5,000 piso ang mga susuway sa ordinansa.