Sinisimulan na ng non-profit organization na APOPO ang pagsasanay sa mga higanteng daga o tinatawag na “Herorats” sa Tanzania.
Ito’y upang makatulong sa search and rescue operations sa mga biktima ng lindol at sakuna.
Ayon kay Lead Researcher, Dr. Donna Kean, katulad din ng mga aso ang mga daga dahil sa mahusay na pakiramdam at pang-amoy nito at maaari lumusot sa maliit na butas at espasyo.
Sinasanay ang mga daga upang mahanap ang mga tao sa isang disaster zone at ninilagyan ng backpack na pinaglalagyan ng GPS locator para sa komunikasyon.
Tinuruan din silang hilahin ang micro-switch sa kanilang leeg na konektado as backpack kapag may nakitang biktima.
Kilala ang East African giant pouched rat dahil sa kanilang kakaibang talino at mas mahaba ang buhay kumpara sa ibang uri ng mga daga. —sa panulat ni Jenn Patrolla