Suportado ni Department of Transportation (DOTr) chief Jaime Bautista ang pagsasapribado ng Busway System.
Ayon kay Bautista, mapapaigting nito ang kahusayan at operasyon ng kanilang transport system at magsisilbi ito sa mga pasaherong patungong Timog o Southbound.
Bukod sa mga bus, maaari ding gamitin ng mga UV Express Driver ang bagong istasyon sa pagbaba at pagsakay ng kanilang mga pasahero at maaaring gamitin ito ng mga commuter para lumipat ng sinasakyan dahil konektado ito sa MRT-3.
Ayon sa Ayala Land na nagpasimula ng masterplan, layunin ng pagsasapribado ang pagtugon sa pangangailangan ng mga commuters at para sa pagpapadali ng kanilang paglalakbay.
Dahil sa interconnectivity ng mga Bus, UV at Railway Systems sa Metro Manila, umaasa ang DOTr na pipiliin ng mga car owners na magcommute hangga’t nananatiling malinis at ligtas ang mga pasilidad na gagamitin. —sa panulat ni Hannah Oledan