Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport para sa modernisasyon at pagpapalawak nito.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, maisasakatuparan ito sa oras na matapos na ang ‘terms of references’ ng kontrata na may kaugnayan dito.
Sinabi ni Bautista na kapag naisapribado ito ay tataas ang aircraft movement capacity sa NAIA na sa kasalukuyan ay limitado lamang sa 40-44 aircraft movements kada oras tulad ng Clark International Airport.
Matatandaang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disymebre na isusulong niya ang public-private partnership sa imprastraktura at local project developments sa ilang priority sectors upang dumami ang trabaho at lumakas ang ekonomiya.