Isinusulong ni Senador Panfilo Lacson ang tuluyang pagsasapribado ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Ito’y ayon kay Lacson ay upang mapagtuunan nito ng pansin ang kanilang regulatory powers sa mga ligal na pasugalan sa buong bansa.
Giit ng Senador, kumpiyansa siyang mareresolba na ng kaniyang inihaing Senate Bill 1471 ang nakalilitong papel ng PAGCOR sa pagre-regulate at pag-ooperate ng mga gambling casino.
Sa ilalim ng nasabing panukala, sinabi ni Lacson na kinakailangang maisapribado na ang mga casino sa ilalim ng PAGCOR sa loob ng isang taon sakaling maging batas at lahat ng kikitain nito ay dapat i-remit sa Bureau of Treasury.
Ang pondong malilikom ay isasailalim sa pagbusisi ng Kongreso sa paglalaan para sa mga proyekto ng pamahalaan kontra kahirapan.
By Jaymark Dagala
Pagsasapribado ng PAGCOR isinusulong sa Senado was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882