Nanindigan si Manila City Mayor Erap Estrada na kanilang itutuloy ang rehabilitasyon ng 17 palengke sa lungsod sa gitna ng inilargang market holiday ng mga tindero.
Ayon kay Estrada, naaayon sa batas ang pakikipag tulungan sa pribadong sektor para sa rehabilitasyon ng mga palengke, na pakikinabangan naman ng mas maraming residente.
Makakatulong din aniya ang rehabilitasyon, para maging may competitive ang mga palengke, dahil magkakaroon na ang mga ito ng shopping centers.
Binalaan din ni Estrada ang mga tindero na nakikiisa sa market holiday, na sila ay huhulihin at ipakukulong.
By: Katrina Valle | Aya Yupangco