Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino ang pagsasapribado ng mga kulungan sa bansa.
Ayon kay Tolentino, mas makatitipid at mas magiging maayos ang palakad sa mga kulungan kung pribadong sektor ang hahawak dito.
Gayunman, ang mga sentensyado lamang na makulong ng anim na taon pababa ang dapat na mailagay sa pribadong bilangguan samantalang mananatili sa Bureau of Corrections (BuCor) ang mga sentensyado sa heinous crimes.
Mananatili rin anya sa pamamahala ng BuCor ang seguridad sa mga pribadong bilangguan.