Bukas ang Department of Transportation o DOTr na panukalang isa- pribado ang operasyon at maintenance ng Light Rail Transit Line 2 o LRT-2.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, kung ito man ay mag – materialize ay tanging ang hinaharap lamang ang siyang makapagsasabi.
Una nang ipinanukala ni Senador Sherwin Gatchalian na isapribado na ang LRT 2 kasunod ng partial shutdown sa tatlong istasyon nito sa nangyaring sunog.