Tutol ang Commission on Human Rights o CHR sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko na ang pangalan ng mga barangay official na nasa ‘narco-list’.
Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jaquelyn de Guia, labag sa karapatan sa due process at presumption of innocence ng mga akusado ang pagsasapubliko ng listahan.
Hindi aniya magiging maganda ang epekto nito sa mga taong nasasangkot maging sa kanilang pamilya dahil agad nahuhusgahan ang mga ito.
Bagaman suportado ng CHR ang layuning linisin ang mga barangay sa iligal na droga, ipinunto ni De Guia na ang pagsasampa ng kaso ang tanging ligal na hakbang.
Samantala, inihayag ni Liga ng mga Barangay National President Atty. Edmund Abesamis na kasuhan muna ang mga nasa narco-list bago isapubliko ang pangalan.
—-